UPDATE

Secondary Filipino - Third Year

Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasaysayan sa mapanuring pagbasa/ pag-unawa sa iba't ibang genre ng panitikan
1: Pagsusuring panglingwistiak
  • Nasusuri ang mga elementong ponemiko sa akda bilang sangkap sa mabisang paglalabuo
    • Natutukoy ang istruktura ng sukat at tugma
    • Nakikilalaang bisa ng pag-uulit-ul;it ng mga salita, pantig o letra sa kabuuan at k asiningan ng akda
    • Natutukoy ang mga salitang ipinakikilala ng tunog nito
    • Nasasabi ang bisa ng ginagawang pamimili ng salita sa pagbubuo ng akda
    • Natutukoy ang kahalagahan ng pagbibigay-tuon sa kapangyarihan ng salita sa kasiningan ng akda
    • Nabibigyang-reaksyon ang pagkakagamit ng mga salitang may likas na pinagmulan (etimoloji)
    • Nabibigyang-kahulugan ang mga pahiwatig o konotasyon
    • Nakikilala at naipaliliwanag ang mga bahaging nagpapakita ng mga salitang nag-aagawan ng kahulugan
    • Naibibigay ang sariling puna hinggil sa pagkakabuo ng mga pangungusap batay sa:
      • ikli o haba
      • pag-uulit
      • pagbabagu-bago ng istilo
2: Pagsusuring Pangnilalaman
  • Nasusuri ang akda batay sa nga nais sabihin nito sa:
    • sarili
    • sa ibang tao
    • sa isang indibidwal
    • sa kalahatan
  • Nabibigyang-reaksyon ang pagkakabuo ng akda batay sa mga kaisipan/ideya tungkol sa:
    • tauhan
    • pangyayari
    • paksa
    • tema
    • pananaw
  • Nakapag-uugnay ng mga tiyak na karansan sa akda sa:
    • pansariling karanasan
    • karansan ng ibang tao na nabatid
    • karanasan ng ibang tao na nasaksihan
  • Natutukoy ang mga tiyak na bahagi ng akda na nagpapakita ng kahinaang aystetik
  • Napipili ang mga tiyak na bahagi ng akda na nagpapakita ng kalakasng aystetik nito
  • Nailalapat ang pansariling interpretasyon sa akda batay sa:
    • kaisipang inilahad
    • pangyayaring iniisa-isa
    • ideyang lumulutang
    • opinyong nangibabaw
    • paniniwalang pinanindigan
    • argumentong inilahad
    • pagpapahalagang moral
    • pagkamakatotohanan
    • katayuan sa realidad
3: Pagsusuring Pampanitikan
  • Nailalapat ang mga tiyak na kaalaman tungkol sa kasaysayan ng panitikan sa pagsusuri sa akda
    • local na kasaysayan
    • pambansang kasaysayan
    • pandaigdigang kasaysayan
  • Nasusuri ang kabisaan ng akda batay sa:
    • pagkakaugnay-ugnay ng iba't-ibang elemento
    • paraan ng pagkakalahad (pananaw)
    • tiyak na uri nito
    • layon/ nais sabihin
    • relasyon sa mambabasa
    • implikasyon sa kamalayang panlipunan
    • implikasyon sa kamalayan ng tao
  • Nailalapat ang iba't ibang pananaw alisunod sa tiyak ns teoryang pampanitikan
    • Nasusuri ang akda sa pagkaklasisismo nito
      • Nabibigyang-halaga ang kaayusan ng banghay:
        • pagsisimula
        • pagpapalawak
        • pagwawakas
      • Natutukoy ang kaugnayan ng simula sa wakas ng akda
      • Nabibigyang-puna ang lohikal na paglalahad ng mga pangyayari
      • Nasusuri ang pagka-marangal ng mga tauhan batay sa:
        • kilos
        • pananalita
        • paghahatid ng kaisipan
      • Naipapahayag ang bisang pandamdaming natamo sa akda
      • Natutukoy ang mga bagong kaalamang natutuhan sa pagbasa ng akda (bisang pangkaisipan)
      • Naipaliliwanag ang kaugnayan ng pagiging maayos sa kasiningan ng akda
    • Nailalapat ang mga kaalaman hango sa teoryang romantesismo sa pagbasa/ pag-unawa sa akda
      • Nakabubuo ng patunay ng kawalan ng istruktural na banghay:
        • paggamit ng flashback
        • paggamit ng daloy ng kamalayan
        • pagwasak sa istruktura ng banghay
      • Napipili at nakapagbibigay ng patunay tungkol sa mga bahaging nagpapakita ng:
        • pagtakas sa katotohanan
        • mga di-kapani-paniwalang pangyayari
        • heroismo
        • pantasya
      • Naiisa-isa ang mga damdaming nakapaloob sa akda na:
        • ipinahihiwatig ng salita
        • ipinahihiwatig ng parirala
        • ipinahihiwatig isang talata
    • Nabibigyang-halaga ang akda sa pagka-humanismo nito
      • Naiisa-isa ang mga tiyak na bahagi na nagbibgay-halaga sa kagalingan ng tao
      • Natutukoy ang mga pahayag na tungkol sa
        • kagandahan ng pag-uugali ng tao
        • kabutihan ng gawi ng tao
        • kagandahang ginagawa ng isang tao
        • magandang aral na napulot sa tao
        • pagpaparangal sa isang tao
    • Naililipat ang mga kaalaman tungkol sa imahismo sa pagbasa sa akda
      • Nakabubuo ng mga tiyak na matulaing imahe batay sa:isang salita
        • isang taludtod
        • isang saknong
        • kabuuan ng akda
        • pamagat ng akda
      • Natutukoy ang bisang pandamdamin at pangkaisipang nakapaloob sa akda
      • Nakalilikha ng pansariling matulaing imahe batay sa akda
    • Nasusuri ang akda batay sa mga tiyak na pamantayan ayon sa pananaw naturalismo sa panitikan
      • Naiisa-isa ang mga bahagi ng akda na nagpapakita ng pagiging emosyunal ng tao
      • Nakabubuo ng kritikal na pagpapasya hinggil sa efekto ng paggamit ng kapaligirang masukal, marumi at kasuklam-suklam sa kasiningan ng akda
      • Naiisa-isa ang mga bahaging napapakita ng mgakasuklam-suklam na pangyayari
    • Nailalapat ang kaalaman sa teoryang realismo sa pagsusuri sa akda
      • Naiisa-isa ang mga katotohanang inilahad sa akda
      • Napipili ang mga bahaging napapakita ng pagkamakatotohanan ng:
        • tauhan
        • pangyayari
        • tagpuan
        • kapaligiran
        • paksa at tema
      • Nabibigyang-reaksyon ang paraan ng pagsasalaysay ng mga may-akda
      • Natutukoy ang mga tiyak na bahagi na nagpapatunay ng pagkakaroon ng transpormasyon ng tauhan batay sa:
        • pisikal
        • emosyon
        • intelektwal
        • saykolohikal
    • Nasusuri ang akda batay sa pananaw formalismo
      • Napahahalagahan ang akda batay sa tiyak na elemento nito
      • Nabibigyang-kahulugan ang mga matatalinghagang salitang ginamit sa akda
      • Natutukoy ang bisa ng mga tayutay at idyom sa kasiningan ng akda.
    • Naisasagawa ang pagdedekonstrak sa akdang binasa
      • Naiisa-isa ang mga nais sabihin ng akda
      • Naihahanay ang mga tiyak na bahago ng akda sa mga dati ng kaalaman tungkol sa kasaysayan ng tao
      • Nakabubuo ng pansariling kahihinatnan ng tauhan sa akda
      • Nakabubuo ng pansariling pagwawakas
      • Naiisa-isa/ naipaliliwanag ang mga kamalayang panlipunang inilahad sa teksto
    • Naililipat ang pananaw eksistensyalismo sa pagsusuri sa akda
      • Nabibigyan ng reaksyon ang mga tauhan sa pagsusuri sa akda
        • kalakasan ng paninindigan
        • pagbubuo ng desisiyon
        • kapangyarihang pansarili
        • pagtanggap sa kinahinatnan/ kahihinatnan
        • paniniwala sa sarili
      • Napipili ang mga bahagi ng akda na nagpapakita ng pagiging makapangyarihan ng tao batay sa kanyang
        • kilos
        • gawi
        • ugali
        • paninwa
        • paninindigan
Naipapamalas ang pagkamalikhain sa pagsulat ng iba't ibang genre ng panitikan
4: Mga Uri ng Panitikan
  • Naipapamalas ang kagkamalikhain sa pagsulat ng iba't ibang genre ng panitikan
    • Nailalapat ang mga kaalaman tungkol sa iba't ibang elemento sa paglikha ng tula
      • may sukat at tugma
      • malayang taludturan
    • Naisasagawa ang malikahaing pagsusulat ng sanaysay batay sa tiyak na uri nito-formal
    • Nailalapat ang mga kaalaman sa uri ng maikhaing kwento sa pagsulat ng isang tiyak na halimb
      • makanaghay
      • pangkatutubong-kulay
      • pangkaisipan
      • pangkapaligiran
      • pantauhan
    • Nailalapat ang mga kaalaman tungkol sa kumbensyon ng gula sa pagbubuo ng isang bahagi
      • aside
      • soliloquy
      • monolog
PAGTUTURO NG KOMPOSISYON (TEACHING COMPOSITION)
5: UNANG MARKAHAN (FIRST GRADING)
  • Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasayanan sa pagsulat ng isang liham-paanyaya para sa isang panauhing tagapanayam
    • Nagagamit nang wasto ang mga mahalagang sangkap sa pagsulat nang wastong liham-paanyaya sa isang panauhing tagapanayam
    • Nagagamit ang angkop na kaalamang gramatikal sa pagsulat
    • Nakapagbibigay reaksyon sa mga piling halimbawa bilang gabay sapagsulat
    • Napahahalagahan ang paggamit ng mga salitang batay sa bagong alfabeto
    • Nailalapat ang pansariling istilo sa pagsulat
6: IKALAWANG MARKAHAN (SECOND GRADING)
  • Nailalapat ang mga batayang kaalaman sa pagbubuo ng bibliyograpi
    • Nagagamit nang wasdto ang mga mahalagang sangkap sa pagsulat nang wastong liham-paanyayasa isang panauhin tagapanayam
    • Nagagamit ang angkop na kaalamang gramatikal sa pagsulat
    • Nakapagbibigay-reaksyon sa mga piling halimbawa bilang gabay sa pagsulat
    • Napahahalagahan ang paggamit ng mga salitang batay sa bagong alfabeto
    • Naililipat ang pansariling istilo sa pagsulat
  • Nakasusulat ng tiyak na halimbawa batay sa tiyak na pamantayan sa pagsulat:
    • wastong baybay ng salita batay sa bagong alfabeto
    • wastong bantas
    • gamit ng malaki at maliit na letra
    • kalinawan
    • kaisahan
7: IKATATLONG MARHAN (THIRD GRADING)
  • Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa pagsulat ng buod ng isang akdang binasa
    • Nakabubuo ng tamang balangkas
    • Napipili ang mga mahahalagang detalye at impormasyon
    • Nasusunod ang mahahalagang hakbang sa pagbubod
    • Napupuna ang ilang mga tiyak na halimbawang modelo
    • Nakapaghahambing ng isinulat sa isang tiyak na modelo
  • Nakasusulat ng isang buod ng akdang binasa na may:
    • kawastuang gramatikal
    • tamang format
    • lohikal na pagbubuo
    • malinaw na presentasyon ng mga kaalaman
    • katapatan sa binubuod
8: IKAAPAT NA MARKAHAN (FOURTH GRADING)
  • Naipapamalas ang mga kahusayan sa pasulat ng iang rebyu sa tulong ng mga tiyak na kaalaman at pamatayan
    • Napagbibigay ng mga angkop na observasyon tungkol sa nabasa o napanood
    • Nakapagbabahagi ng mga reservasyon tungkol sa gawaing paghuhusga sa nabasa o napanood
    • Nagagamit nang wasto ang mga hakbang sa pagbubuo ng rebyu
    • Nakapagbibigay-puna sa isang tiyak na modelo
  • Nakasusulat ng isang buod ng akdang binasa na may:
    • wastong format
    • paraan ng presentasyon
    • kawastuang gramatikal
Author Logon
Username
Password
Learning Resources