UPDATE

Secondary Filipino - Fourth Year

1.Nagagamit na batayan sa mapanuring pagbasa ng akdang pampanitikan ang iba't ibang pamantayan at batayang kaalaman
1: Pagsusuring Panglinggwistika:
  • Napapahalagahan ang pagkakabuo ng akda batay sa paggamit ng mga salita
    • Nasasabi ang bisa sa akda ng pamimili ng salita
    • Nabibigyabg-katwiran ang kahalagahan ng pagkilala sa kapangyarihan ng salita sa akda
    • Nabibigyang-puna ang pagkakagamit ng mga salitang may likas na kahulugan (etimology)
    • Natutukoy ang bisa ng paggamit ng mga salitang tago ang kahulugan
    • Nakikilala ang kasinigngan ng paggamit ng mga salitang nag-aagawan ng kahulugan
  • Naibibigay ang puna hinggil sa pagkakabuo ng mga pangungusap:
    • Paggamit ng mahahaba at maiikling pangungusap
    • Pag-uulit ng mga pangngusap
    • Pagbabagu-bago ng istilo sa pagbubuo ng mga pangngusap
2: Pagsusuring Pangnilalaman
  • Natutukoy ang mga bahaging nagpapahayag ng:
    • mga talinghaga
    • mga larawang-diwa
    • mga pagpapatungkol
  • Nasusuri ang akda batay sa istruktura ng banghay nito ayon sa:
    • makabuluhang simula
    • maigting na tumitinding galaw
    • kasukdulan
    • di-inaasahang wakas
  • Nailalahad ang bisa ng mga kaisipang inilahad sa akda batay sa repleksyon nito sa
    • pamayanan
    • pambansang kaligiran
    • lipunan
    • pambasang kamalayan
  • Naihahambing ang akda sa iba pang uri ng akda batay sa
    • pagkakatulad ng mga tauhan
    • pagkakatulad ng pangyayari
    • pakakatulad ng mensahe
    • pagkakatulad ng paksa
    • pagkakatulad ng tema
    • pagkakatulad ng istruktura
  • Nasusuri ang akda batay sa mga bahaging
    • nagtuturo
    • nagpapaliwanag
    • nangangaral
    • nagbibigay aliw
3: Pasusuring pampanitikan
  • Naiuugnay ang mga paalaman tungkol sa kasaysayan ng bansa sa tiyak na akda
    • panrehiyon
    • pambansa
    • pandaig-dig
  • Nasusuri ang akda batay sa mga tiyak na batayang kaalaman tulad ng
    • kumbensyon sadula
    • istruktura
    • sa nobela
    • tungkulin sa sanaysay
    • elemento sa tula
    • uri sa maikling kwento
  • Nailalapat ang mga kaalaman sa iba't ibang pananaw pampanitikan sa mapanuring pagbasa ng akda
    • Nasusuri ang akda batay sa mga kaisipang hango sa teoryang klasisismo
      • Naiisa-isa ang mga bahaging ng papakita ng tiyakang kaugnayan ng mga tauhan sa pwersang kalikasan
      • Napipili ang mga kaisipan at pahayag na nagpapakita ng kadakilaan ng diyos at nasasabi ang efekto nito sa tao
      • Napipili ang mga tiyak na bahaging nagpapakita ng kabutihan, kagandahan at katotohanan
      • Nasusuri ang akda batay sa pagka-unibersal ng paksa
    • Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa akda tulong ng mga kaalamang hango sa teoryang romantesismo
      • Nailalahad ang paninindigan sa bisa ng pagkakagamit ng kalikasan at kapaligiran sa pagkamasining ng akda
      • Nabibigyang-puna ang bisa ng paggamit ng mga payak na salita sa kasiningan ng akda
      • Nakabubuo ng kritikal na paghuhusga sa kapayakan ng mga tauhan at sa efekto nito sa kasiningan ng akda
    • Napahahalagahan ang pagka-humanismo ng akda binasa
      • Nabibigyang-reaksyon ang mga magagandang kaisipan at paniniwala tungkol sa tao
      • Natutukoy ang mga tiyak na bahagi ng akda na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan
      • Napipili ang mga tiyak na bahagi na tumutukoy sa kagalingan ng isang tao
      • Nasusuri ang akda batay sa magagandang saloobin at damdaming inilahad ng mga tauhan
    • Nababasa ang akda sa tulong ng mga pamantayang naturalistik
      • Nakapagbibigay-patunay na ang buhay ay tila isang mabangis na lungsod at walang awing kagubatan
      • Nabibigyang-puna ang pakikipagsapalaran ng tao na binibigyang-diin sa akda
      • Nasusuri ang umiiral na efekto ng kapaligiran sa pakikipagsapalaran ng tao
    • Napupuna ang realismo ng akda
      • Nabibigyan ng reaksyon ang tuwirang kaugnayan ng kapaligiran sa pagbabago ng tauhan
      • Nasusuri ang mga kaisipang nagpapakita ng pakikipag-ugnayan ng tauhan sa kanyang kapwa at lipunan
      • Naihahanay ang mga tiyak na bahagi nga akda sa umiiral na katutubong tradisyong pampanitikan
      • Nakapagpapatunay na ang mga pangyayari sa akda ay angkop sa tunay na buhay
    • Napahahalagahan ang akda sa tulong ng mga kaalamang batay sa teoryang formalismo
      • Nabibigyan ng reaksyon ang kagandan/ kahinaan ng akda batay sa
        • istruktura
        • pagkakabuo
      • Nasusuri ang bisa ng pag-uugnay-ugnay ng elemento ng akda sa kasiningan nito
      • Naihahambing ang akda sa isa pang katulad na genre batay sa tiyak na elemento
    • Nakapag-dedekonstrak sa akda batay sa mga tiyak na pamantayan
      • Nabibigyan kahulugan ang mga nais sabihin ng akda batay sa relasyon ng tao sa kanyang lipunan
      • Natutukoy ang mga bahagi ng akda na nagpapahiwatig ng impluwensya ng pakipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa at kinahitnan nito
      • Nasusuri ang akda batay sa kaangkupan ng lengwahe sa atmospera
      • Nabibigyang-puna ang bisa ng diskursong ginamit sa kasiningan ng akda
    • Nasusuri ang akda batay sa pananaw eksistensyalismo
      • Nabigyan ng puna ang istilong ginamit ng may akda sa pagsasalaysay
      • Natutukoy ang mga bahaging nagpapamalas ng malayang kaisipan ng tauhan/ may-akda
HANAY NG MGA PANGKALAHATAN AT TIYAK NA KOMPETENSI SA PAGTUTURO NG KOMPOSISYON
4: UNANG, MARKAHAN (FIRST GRADING)
  • Nailalapat ang mga batayang kaalaman at mga tiyak na pamantayan sa pagsulat ng iba't ibang uri ng liham pangangalakal
    • Nakikilala ang iba't iabng uri ng liham-pangangalakal
    • Nakapagbibgay-reaksyon sa isang tiyak na modelo
    • Nagagamit ang sariling istilo sa pagsulat
    • Nailalapat nang angkop ang mga tiyak na elemento sa pagsulat
    • nabibigyang-halaga ang mga tiyak na sangkao sa pagsulat tulad ng:
      • wastong baybay
      • wastong gamit ng bantas
      • kawastuan sa kontent
      • kawastuang gramatikal
5: IKALAWANG MARKAHAN (SECOND GRADING)
  • Nagagamit sa pagsulat ng isang suring-pelikula ang mga dati at bagong kaalaman tungkol sa mga tiyak na batayan
    • Nababatid ang mga tiyak na impormasyong kinakailangan sa pagsulat
    • Nabibigyang-puna ang isang tiyak na modelo
    • Nakapagbabahagi ng pansariling raksyon tungkol sa
      • reservasyon sa pagsulat
      • limitasyon sa kaalaman sa pagsulat
      • kahandaan sa pagsulat
      • di-kahandaan sa pagsulat
    • Naisasagawa ang pagsulat ng isang suring-pelikula sa tulong ng kaalaman sa:
      • wastong format
      • wastong paraan
      • wastong bahagi
      • wastong nilalaman
      • wastong gamit ng istruktura ng wika
      • wastong paggamit ng mga bantas
6: IKATATLONG MARKAHAN (THIRD GRADING)
  • Nakapagsasagawa ng pagsasalita sa tulong ng mga tiyak na pamantayan
    • Nababatid ang mga pangunahing batayang simulain sa pagsasalin
    • Nabibigyangyang-puna ang mga pilisopiyang kaugnay sa pagsasalin
    • Nabibigyang-puna ang mga tiyak na modelo
    • Nasusunod nang wasto ang mga hakbang at paraan sa pagsasalin
    • Nabibigyang-pansin ang kawastuang gramatikal sa pagsasalin
7: IKAAPAT NA MARKAHAN (FOURTH GRADING)
  • Nailalapat ang mga bataybg kaalaman sa pagsulat ng mga natipong tala
    • Nababatid at nagagamit nang wasto ang mga hakbang sa pagtitipon ng tala
    • Nagagamit nang wasto ang iba't ibang kagamitang pinagkukunan ng tala
    • Nakikilala ang mga talang may kabuluhan at walang kabuluhan
    • Naipamamalas ang kahusayan sa pag-uuri-uri ng mga tala
    • Naipakikita ang kasanayan sa pagpapangkat-pangkat at pagsasaayos ng mga tala ayon sa level nito
    • Nakapagsusuri ng isang tiyak na modelo
    • Nakasusulat ng maayos na presentasyon ng mga natipong tala batay sa:
      • pagka-uugnay-ugnay ng mga ideya
      • wastong format
      • wastong presentasyon
      • wastong sangkap
      • wastong nilalaman
      • kawastuang gramatikal
HANAY SA PAGTURO NG MGA PANGKALAHATAN AT TIYAK NA KOMPETENSI SA PAGSUSURI NG EL FILIBISTERISMO (MAY LAANG DALAWANG LINGGO BAWAT MARKAHAN)
8: UNANG MARKAHAN (FIRST GRADING)
  • Nailalapat at napahahalagahan ang mga kasanayan at kaalamang pampanitikan sa pagsasagawa ng isang masining na pagsusuri
    • Nabibigyang-reaksyon ang presentasyong lohikal ng akda
      • Nabibigyang-puna ang simula ng akda sa tulong ng kagandahan ng simula
        • nagpapakilala sa tauhan
        • naghahanda sa mga mambabasa sa napipintong suliranin
      • Nabibigyang-reaksyon ang istilo sa pagpapatindi ng galaw sa tulong ng mga maiigting na bahagi
      • Nasusuri ang bahaging nagpapakita ng kasukdulan at kakalasan ng kwento
      • Nabibigyang-reaksyon ang istilo sa pagwawakas
      • Nakikita ang kaugnayan ng simula sa wakas
    • Nasusuri ang pagkapanitikanng akda sa paggpapahalaga sa pagsulat ng mga simbolo
      • Napipili ang mga tiyak na bahaging napapakita ng iba't ibang simbolo
      • Nabibigyang-reaksyon ang pagkakagamit ng mga simbolo sa kasiningan ng akda
      • Natutukoy ang bisa ng pagkakagamit ng mga simbolo
      • Nabibigyang-puna ang paghahanay ng mga simbolo sa mga tiyak na kabanata
9: IKALAWANG MARKAHAN (SECOND GRADING)
  • Nailalapat at napahahalagahan ang mga batayang kaalaman at pamantayan sa pagsasagawa ng isang masining na pagsusuri
    • Nakikilala ang mga makatotohang tauhan batay sa:
      • kilos
      • gawi
      • pananalita
      • mga opinyong inilahad
      • kinahihinatnan
    • Nakapagpapatunay ng pagkadi-makakatotohan ng tauhan batay sa
      • kilos
      • pananalita
      • gawi
      • paniniwala mga opinyong inilahad
      • kinahinatnan
    • Nabibigyang-reaksyon ang mga ugnayan ng mga tauhan sa:
      • bawat isa
      • sa lipunan
10: IKATATLONG MARHAN (THIRD GRADING)
  • Napapahalagahan at nagagamit ang mga batayang kaalaman at mga pamantayan sa pagsasagawa ng isang masining na pagsusuri
    • Nasusuri ang akda sa mga tiyak na katangian nito
      • Natutukoy at nabibigyang-patunay ang ginamit na tunggalian
      • Nabibigyang-reaksyon ng istilo ng may-akda sa paraan ng presentasyon batay sa
        • pagkapanitikan ng akda
        • pakikipagkapwa-teksto ng akda
        • paggamit ng makatotohang tauhan
        • paglalahad ng karunungan
11: IKAAPAT NA MARKAHAN (FOURTH GRADING)
  • Nagagamit at napahahalagahan ang mga batayng kaalaman at pamantayn sa pagsasagawa ng masining na pagsusuri
    • Nailalapat ang mga kaalaman sa iba't ibang teoryang pampanitikan sa pagsusuri
      • Nakapagpapatunay sa tulong ng mga bahagi sa pagka-klasisismo ng akda
      • Nasusuri ang akda batay sa pananaw romantesismo
      • Naihahanay ang pananaw realismo sa pagsusuri sa akda
      • Napatutunayan sa tulong ng ilang bahagi ang pagka-feminismo ng akda
      • Nagagamit ang ilang pananaw eksistensyalismo sa pagbasa sa akda
      • Napapahalagahan ang akda sa pananw naturalismo
Author Logon
Username
Password
Learning Resources